TV

Return To Paradise: Ang pagdating ni Mrs. Madrigal | Week 9

By Dianne Mariano

Sa ikasiyam na linggo ng Return To Paradise, nag-propose na si Red (Derrick Monasterio) kay Eden (Elle Villanueva) at pumayag ang dalaga ngunit hindi ito ikinatuwa ng nanay ng binata na si Rina (Teresa Loyzaga).

Tinulungan at inalagaan ni Lucho (Allen Dizon) si Amanda (Eula Valdes) matapos niya itong makitang pagala-gala sa kalsada at tila palaboy. Inilahad naman ni Amanda kay Lucho ang lahat ng kasamaan na ginawa sa kaniya ni Rina.

Dahil dito, handa si Lucho na tulungan si Amanda sa kanyang planong paghihiganti kay Rina.

Nakatanggap naman si Eden ng korona ng patay at kasama nito ay ang kwintas niya na nakuha noon ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman ng dalaga na si Rina ang nag-plano na ipadala iyon sa kaniya.

Nang dahil sa patuloy na pananakot ni Rina kay Eden, pumutok ang panubigan ng dalaga kaya dinala siya ng una at ni Zandro (Paolo Paraiso) sa isang komadrona.

Matapos manganak ni Eden, hindi pa rin doon natapos ang masamang plano ni Rina dahil napaniwala niya ang dalaga at si Red (Derrick Monasterio) na patay na ang kanilang sanggol.

Lingid sa kaalaman ng dalawa na ibinigay ni Rina sa komadrona ang kanilang anak bilang parte ng kanyang masamang plano.

Samantala, unti-unti nang pinaparamdam ni Amanda kay Rina ang kanyang paghihiganti at parte ng plano nito ay ang bagong katauhan niya na si Mrs. Madrigal.

Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise rito.

Return To Paradise: Will you be my forever paradise? | Episode 41

Return To Paradise: The angel who came swooping down to save Amanda | Episode 42

Return To Paradise: Amanda's plans are finally unveiling | Episode 43

Return To Paradise: Rina's award-winning acting | Episode 44

Return To Paradise: Ms. Vengeance is here to wreak havoc | Episode 45

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: