Isang masahistang lalaki sa isang spa ang inireklamo dahil umano sa panggagahasa ng kanyang babaeng customer sa  Urdaneta City.

Ayon sa ulat ng Balitang Amianan sa "24 Oras Weekend", kinilala ang suspect na si Gregorio Agbayani III.

Pinaghubad daw ng suspect ang biktimang itinago sa pangalang Andrea upang ma-relax ngunit ang pagmamasahe napunta umano sa kahalayan.

Pangalawang beses na raw ni Andrea sa naturang spa at nagkaroon na ng tiwala sa suspect.

"Siya po ay tiwalang-tiwala sa lalaki. Hindi niya akalain na gagawin sa kanya yun," sabi ni Police Lieutenant Roberto Reyes ng Urdaneta Police Station.

Arestado ang suspect at inamin sa mga pulis ang kasalanan. Naisampa na ang reklamong rape laban sa suspect. -NB, GMA News