Kapag daga ay tinatawag na "mabait" pero siya ay "demonyo"? Ito ang naging sentimyento ni Bobby dahil tila mas mabait pa ang kaniyang ina sa mga daga kaysa kaniya. Paliwanag naman ng ina, sumunod lang siya sa pamahiin tungkol sa mga naturang peste.

Sa programang iJuander, sinabing naka-relate rin ang ilan pang netizens sa sentimyento ni Bobby dahil tulad ng kaniyang ina, tinatawag din na "mabait" ng iba pang mga magulang ang mga daga.

Paniwala ni Jocelyn Tamio, nanay ni Bobby, na kapag sinabihan ng masasamang salita ang mga daga ay lalo silang nagwawala at namiminsala. Kaya sa halip na kagalitan, sinasabihan niya silang "mabait" at inaamo pa.

Naging epektibo naman kaya ito? Panoorin ang ginawang pagtutok ng iJuander, pati na rin ang sinusunod na pamahiin ng mga sabungero para raw manalo ang kanilang manok. — Jamil Santos/DVM, GMA News