Aresto sa Maynila ang dalawang wanted persons at ang isa kanila ay lider umano ng "Ipit Gang" na nambibiktima ng mga pasahero ng bus, ayon sa Ulat si Jonathan Andal sa "Unang Balita" nitong Huwebes.
Hindi na pumalag ang suspek sa pagkaka-aresto sa kanya ng mg pulis sa Samplaoc, Manila noong Miyerkules.
Kinilala ang suspek na si Erwin de Luna, wanted sa kasong pagnanakaw at lider umano ng Ipit Gang.
Modus umano ng kanilang grupo ang pagpapasok sa bus at kanilang pinapalibutan ang pasahero. Babanggain, kakalabitin at pag nalingat daw ang pasahero ay saka dudukutin ang mahahalagang gamit nito.
Sa apat na miyembero ng kanilang grupo, ay tatlo na umano ang naaresto, habang ang isa ay hinahanap pa.
Ayon sa Sampaloc Police, taong 2008 pa nabuo ang grupo. Nagkakilala raw ang mga ito ng sabay-sabay na magnakaw sa isang concert noon.
Isa rito ay si Alvin Reyes na isang notorious umanong akyat bahay sa Sampaloc.
Isa sa nagiging problema umano ng mga pulis ay kahit nahuhuli ang mga suspect, kadalasan ay hindi itinutuloy ang reklamo kaya nadi-dismiss ang kaso o di kaya’y napi-piyansahan naman ang mga suspek. —Sherylin Untalan/LBG, GMA News