Nakaladkad ang isang traffic constable ng hinahabol nito ang isang motoristang naka-hit and run umano sa Quirino Highway sa Quezon City.
Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes ni Corrine Catibayan, sinabing hinabol ng isang Metro Manila Development Authority (MMDA) constable ang isang sasakyang kumakaripas, ngunit nakaladkad ito at nasira ang kanyang sapatos.
Muling hinabol ng mga residente ang sasakyan at nang ma-corner ito sa harap ng isang fast food restaurant ay pinagbabato ito ng mga galit na tao.
Nabasag ang bintana at windshield ng sasakyan.
Ang dahilan umano ng mga residente at MMDA constable sa paghabol sa driver ay nang-hit and run pala ito.
Ayon sa isang nakasaksi sa insidente, patakas ang driver kaya nila ito hinabol.
Dagdag pa, lasing umano ang driver at nagmamaakawa pa sa pulis, at pagkalabas umano nito ay binugbog ng mga residente.
Ayon naman sa MMDA personnel nas si TE3 Adrian Beoncio, mamamagitan daw sana siya dahil akala niya may banggaang nangyari.
Inatrasan umano siya pagkalapit niya sa sasakyan at nagulungan ang kanyang mga paa ng ilang beses, dahilan kung bakit nasira pa ang boots na suot niya.
Nakakulong na ang driver sa Quezon City Police District Traffic Sector 2.
Hindi pa siya nakikila dahil hindi raw ito makausap ng maayos ng mga pulis.
Samantala, nagpositibo ito sa alcohol breath analyzer.
Mahaharap siya sa paglabag sa kasong Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. —Sherylin Untalan/LBG, GMA News