Isang buwaya ang nakitang kagat ang bangkay ng apat na taong gulang na lalaki sa isang ilog sa Indonesia. Ang bata na dalawang araw nang nawawala, kusang binitawan ng buwaya nang lumapit ang mga rescuer.

Sa ulat ng GMA News “State of the Nation” nitong Martes, sinabing lumangoy palayo ang buwaya nang lumapit ang mga rescuer na sakay ng bangka.

Nagulat ang mga rescuer dahil buo ang naturang bangkay ng bata at wala itong mga galos.

Sabi ng ilang mapamahiing residente, ibinalik ng buwaya ang bangkay ng bata, na dalawang araw ng nawawala.

Pinaniniwalaan na nahulog sa ilog ang bata habang naglalaro. Posible rin umanong nalunod muna ang bata bago siya natagpuan ng buwaya. --Mel Matthew Doctor/FRJ, GMA Integrated News