Isang bagong silang na sanggol na walang ulo ang natagpuan sa isang estero sa Maynila.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Martes, sinabing nakita ang bangkay ng sanggol sa hinuhukay na Estero de Valencia dakong 10:00 am.

May nakakabit pa umanong umbilical cord o pusod ang sanggol na isang lalaki.

Hindi pa batid kung sino ang nagtapon sa sanggol pero naniniwala ang barangay na inanod lang sa kanilang lugar ang bangkay.--FRJ, GMA Integrated News