Iniaalay ni Ashley Rivera ang bago niyang show na “Kalurks!” sa kaniyang yumaong ina, na itinuturing niyang biggest fan at matalik na kaibigan.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, inilahad ni Ashley ang sakit na kaniyang nararamdaman matapos pumanaw ang kaniyang ina dahil sa cancer, dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas

“I’m not OK, to be honest. It’s only been two months,” pag-amin niya.

Sa kabila ng kaniyang pagdadalamhati, sinabi ng Sparkle star na ginagawa niya ang lahat upang manatiling positibo, lalo na ngayong nagsisimula siya ng bagong yugto sa kaniyang career.

“I’m really trying my best to just stay positive. And I’m really happy kasi nga first time kong magkaroon ng ganitong klaseng show, and it just sucks that I won’t get to share it with my mom because she’s my number one fan,” pahayag niya.

“I always say, I feel like I’m grieving for two people because I didn’t just lose my mom. I also lost my best friend,” dagdag ni Ashley.

Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat si Ashley ang mga biyayang dumadating na iniaalay niya sa kaniyang ina.

“Ever since na nawala siya, tuloy-tuloy pa rin po yung blessings ko and And I know that she’s really guiding me every single day,” she said.

Pumanaw ang ina ni Ashley noong June matapos ang laban sa cancer, na ipinaalam ng aktres sa publiko noong Abril.

Samantala, kasama ni Ashley bilang host mh upcoming talkshow na “Kalurks!” sina Baus Rufo at DJ Jhai Ho, na mapapanood sa GTV sa September 13. —Jade Veronique Yap/FRJ GMA News