Usap-usapan ngayon kung ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez ang susunod na ikakasal matapos ang tila "agresibo" raw na pagsalo ng aktres sa inihagis na bridal bouquet.

Sa Instragram account ni Megan, makikita ang video na sadyang pinuntirya ng aktres na makuha ang inihagis na bouquet sa wedding reception nina Maxene Magalona at Robby Mananquil sa Boracay nitong Huwebes.

 

Taking after MJ ???? #iROByouveryMAXX #MagalonaMananquil

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

 

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas," sinabing kaagad na isinigaw ng mga wedding guest ang pangalan ni Mikael nang masalo ni Megan ang bulaklak.

Si Mikael naman daw ang nakakuha ng garter ng groom.

Hinikayat naman ng mga follower sa kanilang comments na magpakasal na ang dalawa sa larawan na ipinost ni Mikael na mistulang beach wedding photo nila ni Megan.

 

????????

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez) on

 

Kamakailan lang ay inamin ng beauty queen na pitong taon na at going stronger ang relationship nila ni Mikael.

Mapapanood sina  Mikael at Megan sa bagong GMA series na "The Stepdaughters," kung saan kasama rin si Katrina Halili. -- FRJ, GMA News