Ibinalita ni Kapuso star Rita Daniela na siya ang upcoming cover girl ng isang online men's sexy magazine, at proud na sinabing hindi siya nagpapayat para dito.
Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabi pa ni Daniela na hindi rin siya papayag na baguhin ang hitsura ng kaniyang katawan para sa cover.
"I wanna raise the awareness of body shaming and how people see women today," saad niya.
Sa kaniyang mga beach photo, confident si Rita na ipinakita ang kaniyang bikini body.
Samantala, kasama si Rita sa play na "Eto Na! Musikal Napo!," na tampok ang mga awiting pinasikat ng Apo Hiking Society.
Magkakaroon sila ni Mark Bautista ng on-stage kissing scene, at sinabi naman ni Rita na kumportable siya sa actor-singer. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News