Para kay Rita Daniela, na tampok ngayon ng digital men's magazine na FHM Philippines, dapat maging proud ang mga kababaihan ano man ang hugis ng kanilang katawan.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing palaban si Rita sa naturang feature, habang isinusulong niya ang "acceptance" at "body positivity."

Kaya naman kitang-kita ang kanyang sexy curves sa kanyang photos.

 

#bts #RitaDanielaforFHM

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela) on

 

Ayon kay Rita, dapat maging confident sa sarili dahil ito ang tunay na kahulugan ng kaseksihan.

"Napakadaming magandang babae, tao and I also hate it when they say na, 'Ay, mataba 'yan, pangit siya,' I don't believe in that. For me, sexy is confidence. Kasi sa atin manggagaling 'yung beauty 'di ba? Hindi naman 'yan manggagaling sa ibang tao. Actually marami akong shinare pa, sobrang lahat ng thoughts ko about body positivity and acceptance."

 

#bts #RitaDanielaforFHM

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela) on

 

Dati nang sinabi ni Rita na hindi siya magpapapayat at magpapa-edit para sa nasabing men's feature.

Gusto rin ni Rita na maging aware ang mga tao sa body shaming. — Jamil Santos/MDM, GMA News