Bukod sa pinag-uusapan, may taglay ding charisma o impact ang mga Pinoy na matatawag na "global headliner." At sa listahan ng programang "Ang Pinaka," nanguna ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

Sinabing gumawa ng ingay si Maine kamakailan nang maging pinakaunang Filipina MAC Maker at ang nag-iisa sa Asya na gumawa ng kaniyang lipstick shade para sa global cosmetics brand.

Bago pa man nito, lagi nang laman sa social media tulad ng Facebook, Twitter at Instagram si Maine. Maski ang ginamit lang niyang red lipstick na hindi niya ini-endorse, naging patok.

Kaya naman nang ilabas ng MAC Cosmetics ang limited edition lipstick shade na @Mainedcm, na sold-out agad online sa loob ng 10 minuto.

Panoorin kung sinu-sino ang mga pasok sa Pinay global headliner list kung bakit patok si Maine sa mga tao at itinuturing na isang influencer.

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News