Isang balyenang naaagnas na ang namataan sa baybayin ng Siargao, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Napadpad ang balyena sa baybayin ng bayan ng General Luna.

Ayon sa Coast Guard Station Siargao, patay na ang balyena nang kanilang datnan.

May habang 10 metro ang nasabing balyena.

Inabot ng tatlong oras bago nakuha ang balyena sa tubig.

Inilibing ito agad kaya't hindi na nasuri kung ano ang posibleng dahilan ng pagkamatay nito. —KG, GMA Integrated News