Tila nahawa ng pakulong "'Pag lumingon ka, kay Boyet ka," si Jak Roberto nang magkasama-sama sina Ken Chan, Jak at ang leading lady nila sa "Meant To Be" na si Barbie Forteza.

Lumingon naman kaya si Barbie kay Jak, at magselos naman kaya ang bida ng "My Special Tatay" na si Ken? Panoorin ang nakatutuwa nilang video.

Ilang beses nang ginawa ni Boyet ang pakulo niyang "Pag lumingon ka, kay Boyet ka," at minsan pa niyang napagsabay ang dalawa niyang leading lady sa hit Kapuso series.

--FRJ, GMA News