Sa programang "Tunay Na Buhay," ikinuwento ni Khalil Ramos ang kaniyang kabataan bago magsimula sa showbiz. Kabilang na rito ang pagiging solong anak niya sa loob ng pitong taon bago dumating ang kaniyang bunsong kapatid.

"It was a really fun childhood, growing up also especially with my parents. I was an only child for seven years. So medyo mahaba ang agwat namin ng brother ko," sabi ni Khalil.

Kahit na solong anak, hindi naman naramdaman ni Khalil ang pagiging mag-isa dahil sa pagmamahal sa kaniya ng mga magulang niya na parang naging kaibigan niya rin.

"That first seven years was actually a really, really fun experience... It became more fun with my brother, nagkaroon ng ibang dynamic. Pero kasi my parents, they're really just like my best friends ko lang talaga sila," pagpapatuloy ng aktor.

"I would remember, vivid memory siya. When I was a little kid my mom would always tell me that 'I am your best friend,' 'We're gonna do everything together,' 'We're gonna explore the world together,' 'We're gonna get to Disneyland together.' Ganu'n 'yung dynamic namin," patuloy pa ng bagong Kapuso.

Pero papaano nga ba niya nakahiligan ang pagiging isang performer hanggang sa tuluyang pasukin ang showbiz? Panoorin ang buong panayam ni Khalil sa video sa itaas.

--FRJ, GMA News