Sa programang "Mars Pa More," inihayag ni Liezel Lopez ang kaniyang "fear of getting hurt" dahil sa naging karanasan niya noon sa kaniyang nobyo.

Sa segment na "Mars Sharing Group," ibinahagi ni Liezel ang hirap na maranasang saktan ng taong minahal.

"Kasi once na masaktan ang tao nag-iiba siya. You will never be the same person again, it's either you gonna get worse or you gonna get better," pahayag niya.

Sa mga nagdaang karanasan niya, sinabi ni Liezel na ang pinakamalala ay pagkakaroon niya noon ng nobyo na pisikal siyang sinasaktan, at hindi lang emosyonal.

"Sinabi niya sa'yo na love ka niya pero kaya niyang gawin yon [pananakit], how can you trust another person again," sabi ng Kapuso actress.

Samantala, inihayag din nina Iya Villania, Camille Prats at Myrtle Sarrosa ang kani-kanilang "fear." Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News