May pasilip at patikim sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa kanilang mga tagasuporta na naghihintay na makita silang magkasama muli sa isang proyekto--kahit sa endorsement project muna.

Nitong Martes, ipinakita ng dalawa ang mistulang trailer ng kanilang upcoming reunion movie na "One True Pair" para sa Jollibee.

Sa video, makikita na nagkakamustahan ang dalawang bagong Kapuso stars.

Biniro ni John Llody si Bea na, "You look good."

Sagot naman ng aktres, "Pumayag na akong gawin ‘tong project. 'Wag mo na akong bolahin."

Sa kanilang pag-uusap, sinabi ng aktor kay Bea na, "Sure ka na sa project ah?"

"Nag-yes na ako, 'di ba?" ayon kay Bea.

"Pero yes na galing saan?" tanong uli ni John Lloyd.

"Saan ba dapat galing?" saad ni Bea .

"Sa puso," sambit naman ni John Lloyd.

"Namiss kita, galing sa puso," sabi ni Bea.

Ang "One True Pair" ay mapapanood sa December 1 sa Jollibee Studios YouTube Channel. Ito ang muling pagtatambal nina John Lloyd at Bea matapos ang mahabang panahon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

Kamakailan lang ay pumirma ng kontrata si Bea bilang Kapuso, habang gagawa naman ng sitcom sa GMA si John Lloyd, matapos magpahinga sa showbiz ng apat na taon.— FRJ, GMA News