Inilahad ni Julie Anne San Jose ang kaniyang paghanga at pag-idolo kay Sarah Geronimo, at kaniyang paghahandaan kung sakaling maka-back-to-back concert niya ang Popstar Royalty.
 
“Oh my God, na-pressure ako!” sagot ni Julie nang tanungin sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles kung handa siyang mag-perform kasama si Sarah.
 
“Unang una Tito Boy, hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo. There can only be one Sarah Geronimo,” pagpapatuloy niya.
 
“Thank you, I really appreciate it, it would be an honor na maka-duet si Ms. Sarah. I really look up to her.”
 
Kaya kung bibigyan ng pagkakataon, paghahandaan ni Julie kung sakaling magkasama sila ni Sarah sa isang pagtatanghal.
 
“More on like maghahanda, of course, definitely. Kasi nga po she’s one of the people I really look up to, and isa siya sa mga naging influences ko rin sa music,” anang Asia’s Limitless Star.

Kuwento pa ni Julie, naging choir member siya sa kanilang simbahan sa Mindanao Avenue kung saan malapit din si Sarah, at nakita niya itong nag-perform.

"Fangirling," sabi ni Julie. 
 
Matatandaang sumikat si Sarah matapos manalo sa TV singing contest na “Star for a Night.”
 
Kilala naman si Julie bilang Asia’s Limitless Star dahil din sa kaniyang musical prowess, at nakakuha pa ng international award. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News