Nai-e-enjoy ni Jackie Lou Blanco at naging makabuluhan ng ilang buwan na pagkakatigil niya sa bahay dahil sa community quarantine. Bukod kasi sa nakaka-bonding niya ang mga anak at cute na apo, may proyekto pa silang solar lamp na ipadadala nila sa mga komunidad na walang kuryente.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing nagmula ang mga ilaw sa Liter of Light kung saan katuwang ng aktres sa pagbuo ng mga ilaw ang kaniyang mga anak na sina Rikki Mae at Arabella.

Ipadadala sa mga komunidad na wala pang kuryente ang mga ginawa nilang ilaw.

"Ang hirap pala, hindi siya madali. Kasi although meron siyang directions, ang ninipis nu'ng mga wire. Kung napansin mo nga sa IG post ko nu'ng nag-light, 'yung sa akin 'yung hindi nag-light. So meron akong hindi masyadong nahigpitan na screw. So inulit-ulit ko ulit," kuwento ni Jackie Lou.

May mga kapwa-artista na raw Jackie Lou na kaniyang isinabak sa challenge sa paggawa ng solar lights para mas marami silang magawang ilaw.
Kabilang na raw dito sina Sunshine Dizon, Manilyn Reynes, Rayver Cruz at Janine Gutierrez.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

So blessed to have been given this opportunity to help make Solar Lamps with my girls, @getyourfrikon and @aradabao for communities that have no electricity. Thank you so much @illacdiaz of @literoflight for reaching out. My girls and I are privileged to be part of your endeavor. Each hand-built solar light will last for the next five years, 12 hours a day, and reduce carbon emissions by 1000 kg! Aside from helping villages to have electricity, we will also be helping our environment. I want to challenge my friends, @marizricketts, @katrina_halili , @manilynreynes27 , @m_sunshinedizon , @janinegutierrez, @rayvercruz @mysheenahalili @johnnite01, @dawnzulueta and @raymondlauchengco . Let us be the light to the darkness. Let’s Light it Forward!!! www.lightitforward.ph

A post shared by Jackie Lou Blanco ???????????????????? (@jackielou.blanco) on

 

Tuwang-tuwa rin si Jackie Lou sa pakikipag-bonding sa kaniyang apo na si Jacqui, na ang anak ng kaniyang panganay na si Ken.

"Momma" raw ang tawag ni Jacqui sa kaniya, at iba ang pakiramdam niya rito.

"'Pag inisip ko parang anak ko na rin siya. It's just that wala akong masyadong responsibility 'di ba kasi lola lang ako. Pero parang ganu'n din hahabulin mo, tuturuan mo ng kung ano, babasahan mo ng libro. Parang the things I used to do to my own children," sabi ni Jackie.

Miss na rin daw ni Jackie ang pag-arte, matapos na ang ginagawa nilang series ni Lovi Poe.

"Ano kaya kung mag-acting workshop ako na, wala lang, 'yung just to be able to... Yeah, there's always something to learn," sabi ng beteranang aktres.

Para kay Jackie, na isa ring fitness advocate, mabisang pantanggal ng pagkainip ang pagwo-workout.

"Meron akong chellenge na in-accept din. 'Yung 25 push ups a day. Basta kailangan makabuo ka ng 625 push ups," saad niya.--Jamil Santos/FRJ, GMA News