Naging emosyonal ang isang grade three pupil sa kanilang Recognition Day sa paaralan nang makita niya na ang kaniyang ina na overseas Filipino worker ang mismong magsasabit sa kaniya ng medalya.

Sa ulat ng programang Dapat Alam Mo, biglang umuwi ang ginang na OFW para sorpresahin ang kaniyang anak na tumanggap ng pagkilala mula sa kanilang paaralan.

Ang anak, napayakap nang mahigpit sa kaniyang ina nang makita niya ito sa itaas ng establado.

Hindi raw inakala ng bata na uuwi ang kaniyang ina, at nasanay na ito na walang kasamang magulang sa mga aktibidad sa eskuwelahan.

Ang nakakaantig na tagpo ng mag-ina, pinusuan ng netizens, ayon sa ulat.

Hindi mapipigilan ng kahit bagyo ang isang inang domestic helper sa Qatar sa pag-uwi sa Pilipinas para matupad ang hiling ng kaniyang anak na makasama siya sa stage sa sa moving-up ceremony nito.

Kamakailan lang, isang ina na OFW sa Qatar ang umuwi rin ng bansa para bigyan ng katuparan ang hiling ng kaniyang anak na makasama siya sa stage sa moving-up ceremony nito.--FRJ, GMA Integrated News