Susulitin ng Kapuso stars ang travel at bonding sa kani-kanilang mga pamilya ngayong Kapaskuhan, matapos ang matagal na pamamalagi sa bahay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, sinabing plano ng ilang Kapuso stars ang revenge travel.

"Nagpaplano kaming mag-Baguio or mag-beach. Pero magkasama pa rin, pero wala pang place," sabi ni Miguel Tanfelix.

"Pupunta lang kami ng Batangas, we're gonna celebrate Christmas there. Usually we celebrate at home, but this time lalayo kami nang onting onti lang with the whole family," sabi ni Elle Villanueva.

"Pupunta rin ako ng Batangas, sasama sa kaniya," biro ni Derrick Monasterio kay Elle. "Honestly ngayon kasi wala 'yung mom ko sa house tapos dalawa lang kami ng sister ko. So I might probably go to my friends' house."

Patungong South Korea naman ang Legaspi family.

Grateful si Mavy dahil nakatulong si Kyline Alcantara sa pagkuha nila ng visa.

"Siguro 'yan 'yung gift din ni Kyline, pa-Christmas para sa pamilya ko. Napakalaking bagay," sabi ni Mavy.

"Sabi ko nga sa mga magulang ko huwag muna kaming magplano this Christmas kasi kailangan naming mag-ipon sa pinagagawa naming bahay. Sacrifice," sabi naman ni Kyline.

Lilipad naman si Sanya Lopez na mag-isa sa Japan, na matagal na niyang pinaplano.

"Gusto kong itry pero kinakabahan ako. Pero I'm willing, para kung ano ba ang meron kapag ako lang mag-isa, mas marami akong madi-discover," sabi ni Sanya.

Mananatili lang sa bahay ang ilan pang Kapuso stars.

"Ako naman always house lang, kasi mga tradition talaga namin andon. Minsan nagpaplano kaming lumabas pero nauuwi kami sa bahay lang kasi nami-miss namin 'yung mga ginagawa namin noong bata," sabi ni Andrea Torres.

"We just moved into our family home, kasi kakatapos lang ipagawa in Manila. So plano namin, sasalubungin namin 'yung bagong taon and Christmas doon,"

"Usually kasi my father is in Pampanga, and other family members they are in Korea, so I have to choose one lang," sabi ni Dasuri Choi.

Pagtutuunan muna ng pansin ni Valeen ang kasal ng kaniyang kapatid na lalaki nitong Disyembre, kaya uuwi ito mula sa  Madrid.

"It's gonna be a different Christmas for us," sabi ni Valeen.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News