Nabiktima umano ng basag-kotse gang ang celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa Bacoor, Cavite.

Sa ulat ni Glen Juego sa Super Radyo dzBB nitong Huwebes, sinabing naganap ang insidente sa harapan ng isang gusali sa Molino Road, Barangay Molino 3.

 

 

Batay sa inisyal na ulat ng Bacoor City Police, ipinarada nina Alonte at Andalio ang kanilang Jeep Wrangler wagon at nagtungo sa isang café.

Ngunit kapag balik ng dalawa, doon na nila nakita na basag ang windshield sa passenger’s seat.

Natangay ng mga kawatan ang tatlong mamahaling cellphone ng mga biktima, ayon pa sa ulat.—Mel Matthew Doctor/LDF, GMA Integrated News