Isang OFW na ilang buwan pa lang na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Kuwait ang pinauuwi na ng kaniyang amo matapos na matuklasan na mayroon siyang cancer.

Sa ulat ng GMA Regional TV "One Western Visayas," sinabing tubong Bago City, Negros Occidental ang OFW na si Lani, 43-anyos, at lumipad patungong Kuwait noong nakaraang Setyembre lang.

Pero dalawang buwan pa lang siya sa Kuwait, nagkaroon ng hindi magandang pakiramdam si Lani at natuklasan na may cancer siya sa sikmura kaya pinapauwi na siya ng kaniyang amo sa Pilipinas.

Ang live-in partner ni Lani na si Renato Calaguan, humingi ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pero nadismaya ito. Panoorin ang ulat kung bakit.


--FRJ, GMA News