Hindi naging madali ang pag-aresto sa isang 32-anyos na Pinoy na nagtangka umanong mag-carjack sa Honolulu, Hawaii.

Sa ulat ng Island News, sinabing naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Travis Coloma, matapos ang habulan sa Ala Moana area.

Anim na sasakyan ang nabangga malapit sa intersection ng Ke'eaumoku Street at Kapiolani Boulevard.

Sa nahuli-cam na habulan ng residenteng si Jodi Asano, makikita ang paghabol ng mga pulis kay Coloma, hanggang sa madakip.

Sa record ng Honolulu Police Department, lumitaw na may iba pang nakabinbing arrest warrant laban kay Coloma.

Mahaharap si Coloma sa mga kasong carjacking, reckless driving, at resisting arrest. β€”mula sa ulat ni Dave Llavanes Jr./FRJ, GMA Integrated News