Ang award-winning scientist na si Glenn Banaguas ang tanging Pilipino na naimbitahan na magsalita sa upcoming Harvard Climate Action Week sa Hunyo.

Inaasahan na malaki ang maibabahagi ni Banaguas, tumanggap ng United Nations Sasakawa Award for Disaster Risk Reduction Award noong 2022, sa gaganaping pagtitipon dahil kabilang ang Pilipinas sa mga apektadong bansa ng climate change.

“His presence is a powerful reminder that the path to global sustainability is paved with the diverse experiences and wisdom of all nations, especially those most affected by climate change,” saad sa pahayag ng Outstanding Filipino (TOFIL) Laureates.

Nakatuon umano ang magiging mensahe ni Banaguas sa kahalagahan ng peace, unity, resilience, innovation, collaboration, at pursuit of sustainability sa pagtugon sa climate emergency.

“His address is expected to resonate with a sense of urgency, calling upon the world to rally together in the face of this unprecedented challenge,” dagdag ng TOFIL Laureates.

Naging unang Filipino UN Sasakawa Laureate si Banaguas dahil sa kaniyang “Climate Smart Philippines: Science for Service” program, na nagnanais ng partisipasyo ng iba't ibang stakeholders sa pagpaplano at pagpapatupad ng science at evidence-based actions sa pagtugon sa kalamidad at climate change.

Gaganapin ang pagtitipon na iho-host ng Salata Institute for Climate and Sustainability ng Harvard University  sa June 10 hanggang 14. —FRJ, GMA Integrated News