Nakunan sa video ang pagharurot ng dalawang motorcycle rider na walang suot na helmet sa kanilang ilegal karera sa La Carlota, Negros Occidental.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GMA News Unang Balita nitong Biyernes, mapanonood sa video ang pagharurot ng dalawang rider matapos ang senyas ng isang lalaki.
Rumesponde ang pulisya matapos matanggap ang report, pero hindi na nila naabutan ang mga rider.
Nakipag-ugnayan na sila sa Land Transportation Office para matukoy ang mga sangkot sa ilegal na karera.
Nahuli-cam din sa Talisay, Cebu, ang ilegal na drug racing sa Cebu South Coastal Road.
Mapanonood ang biglang pagharurot ng dalawang rider habang may mga nanonood.
Sinabi ng mga awtoridad na natukoy na ang dalawang rider na sangkot sa ilegal na karera at pinaghahanap ngayon matapos ang tulong ng isang concerned citizen. – Jamil Santos/FRJ GMA News
