Arestado ang isang tricycle driver sa Zamboanga City matapos magpakita ng ari sa kanyang babaeng pasahero.

Ayon sa ulat sa 24 Oras nitong Sabado, inilabas ng suspek ang kanyang ari habang nagmamaneho ng tricycle.

Nakuhanan naman ito ng kanyang dalagang pasahero. Nang mapatapat malapit sa barangay hall, pumara ang babae at agad na isinumbong ang driver.

Tinangka ng suspek na tumakas, ngunit naaresto rin siya ng mga tauhan ng barangay.

Inamin ng driver ang kalaswaan at humingi na ng tawad sa babae, ngunit desidido ang biktima na kasuhan siya. —ALG, GMA News