Patay na nang matagpuan sa bakawan ang isang batang babae na limang-taong-gulang sa Palimbang, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Miyerkules, sinabing inutusan lang ang biktima ng kaniyang ina na manghingi ng ulam sa kanilang kapitbahay pero hindi na siya nakauwi.

Hinihinala rin ng mga awtoridad na ginahasa muna ang biktima bago pinatay.

Itinuturing naman suspek sa karumal-dumal na krimen ang tiyuhin ng biktima na pinaghahanap na ng mga pulis. -- FRJ, GMA News