Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng tatlong salarin sa Dasmariñas, Cavite, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Naglilinis ng sasakyan sa harap ng kanilang bahay ang biktimang si Police Staff Sergeant Roseman Batao nang pagbabarilin. Dead on the spot ang pulis habang tumakas naman ang mga salarin sakay ng kotseng walang plaka.

Iniimbestigahan na ang motibo sa krimen.

Dating intelligence officer sa Maragondon Municipal Police Station si Batao bago nalipat sa Quezon province. Nagbabakasyon lang siya sa Cavite para salubungin ang bagong taon kasama ang pamilya.  —KBK, GMA News