Nasawi ang isang mag-ina, habang sugatan ang asawa niya at isa pang anak matapos maaksidente at tumagilid ang kaniyang sinasakyang truck sa San Andres, Quezon.

Sa ulat ni Lorenzo Ilaga sa GMA Regional TV "Balitang Souhern Tagalog" nitong Lunes, kinilala ang nasawi na si Rosemarie Abonares, at ang dalawang-taong-gulang niyang anak.

Nasugatan naman ang kaniyang mister at driver ng truck na si Reynaldo, at isa pa nilang anak.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sinabing galing sa Lucena ang mag-anak at pauwi na nang mangyari ang trahediya.

Nakaidlip umano si Reynaldo sa biyahe kaya nawalan ito ng kontrol sa truck na puno ng paninda at tumagilid sa highway.

Nataganan ng truck ang mag-ina na dahilan ng kanilang pagkasawi.

Payo ng pulisya, na dapat tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang sasakyan at maging ang nagmamaneho bago bumiyahe.--FRJ, GMA News