Patay ang isang barangay captain sa Bayugan City, Agusan del Sur matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na riding-in-tandem nitong nakaraang linggo.

Nakilala ang biktima na si Librado Juventud, na siyang kapitan ng Barangay Mabuhay, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA  News nitong Lunes.

Nangyari ang krimen ilang metro lang ang layo mula sa bahay ng biktima.

Siyam na basyo ng bala ang narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa insidente at ang pagkakakilanlan ng mga suspek. —KG, GMA News