Sa "Sumbungan ng Bayan," dumulog ang isang netizen upang magtanong kung lahat ba ng negosyo ay dapat magbayad ng buwis kahit na hindi naman malaki ang kinikita.

Dagdag na tanong ng netizen kung kailangan pa rin ba niyang magbayad kahit wala siyang kinita dahil sa pandemya?

Paliwanag ni Atty. Ian Sia na ayon sa batas, binubuwisan ang sinoman na nasa negosyo na nagkaroon ng business income.

Kapag nasa P3,000,000 pataas ang gross sales kada taon, meron itong 12% na VAT.

BASAHIN: Buwis ng 250 social media influencers na 'top earners', sinisilip na ng BIR

Kapag naman hindi hihigit sa P3,000,000, mayroon itong percentage tax na 3% ng gross income.

Kung walang kinita ang negosyo o net income, walang pananagutan ang isang entrepreneur sa income tax.

Gayunman, meron pa rin siyang pananagutan sa percentage tax o VAT, na nakabatay sa gross sales at hindi sa neto.

Panoorin ang buong pagtalakas sa usapin sa video ng "Sumbungan ng Bayan."

--FRJ, GMA News