Mainit lagi ang talakayan kapag buhay ng mag-asawa ang pinag-uusapan lalo na kung tungkol sa pangangaliwa. Ngunit kailan nga ba masasabi na nagtataksil ang asawa--mapalalaki man o babae--na maaaring maging basehan upang magsampa ng kaso? Alamin.
Sa segment na "Kapuso sa Batas," ipinaliwanag ni Atty. Gaby Concepcion, na "sexual in nature" o may kinalaman sa pakikipagtalik ng taong kasal na sa isang taong hindi niya asawa ang isinasaad sa batas patungkol sa "infidelity," o pagtataksil.
"Malamang ito nga yung pakikipagtalik o sexual intercourse ng isang may asawa sa isang tao na hindi niya asawa," anang abogada.
"Of course sa ordinaryong tao lalo na sa isang taong romantic in nature, yung infidelity o pangangaliwa basta may emotional o romantic relationhip na mas matindi daw instead of just purely physical relatioship," patuloy ni Concepcion.
"Pero for purposes of filing a case, sexual in nature ang kaso ng infidelity among married couple," paliwanag niya.
Adultery umano ang maaaring ikaso sa babae o sa misis na nangaliwa, habang concubine naman ang kaso laban sa lalaki o sa mister.
Sa kasong adultery na isinasampa laban sa babaeng nakipagtalik sa lalaking hindi niya asawa, sinabi ni Concepcion, hindi kaagad-agad na nakakasuhan sa ganitong kaso ang lalaking "kalaguyo."
"Sa ilalim ng batas natin, ang adultery bilang krimen ay krimen na babae lamang ang maaring kasuhan at maging guilty," sabi ni Concepcion.
"Ang lalaki na nakipagtalik sa isang babae na hindi niya asawa, hindi siya guilty ng krimen right-away," dagdag ng abogada.
Pero maaari bang kasuhan din ang misis kung babae ang kalaguyo niya, o kaya naman ay ang mister na lalaki naman ang kalaguyo? Alamin ang paliwanag ni Concepcion tungkol rito, at ang iba pang maaaring ikaso at mga parusa tungkol sa pagtataksil.
Panoorin ang buong talakayan sa video. --FRJ, GMA Integrated News