Hindi pala lahat ng batang chubby ay malusog. Gaya ng sitwasyon ng mga batang kinaaliwan sa isang barangay sa Talaingod, Davao del Norte na kahit mga tabachoy ay lumitaw na malnourished o kulang sa sustensiya. Kung paano ito nangyari? Panoorin.

Nag-viral kamakailan ang mga litrato ng tatlong bata sa Talaingod dahil sa kanilang katabaan, pagiging cute at masayahin.

Hindi raw kasi inakala ng isang sundalong nakarating sa naturang lugar na makakakita siya ng mga tabachoy na bata dahil napakalayo na ng lugar.

Natuwa ang sundalo dahil sa inakala niyang malulusog ang mga bata. Pero batay sa pagsusuri ng espesyalista, bagaman malalaki ang katawan ng mga bata, kulang sila sa sustansiya at itinuturing malnourished dahil na rin sa uri ng kanilang kinakain.

Kilalanin at alamin ang buhay ng mga bata sa bundok sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."  Bakit nga ba lumalaki ang kanilang katawan at anong kondisyon sa kalusugan ang mayroon sila? Panoorin.


--FRJ, GMA News