Ipinasilip ni Willie Revillame ang kaniyang hotel-resort at restaurant sa Tagaytay kung saan niya ginagawa ngayon ang "Wowowin-Tutok To Win" habang mataas pa ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Kuya Wil, hindi pa bukas ang naturang hotel-resort at maging ang restaurant dahil na rin sa pandemic at wala pa siyang nakukuhang mamamahala rito.

Panoorin ang video at silipin kung gaano kaganda ang lugar na tanaw ang Taal volcano.

--FRJ, GMA News