Biglang nakaisip ng bagong palaro na mala-perya si Willie Revillame kung saan maaaring manalo ng dagdag na P10,000 ang lucky caller sa "Wowowin-Tutok To Win."

Bukod sa P20,000 na regalo sa masuwerteng natawagan, naisipan ni Kuya Win na pahulaan sa lucky caller kung saan niya itatago ang pisong barya para sa dagdag na P10,000 na premyo.

Nagpakuha si Kuya Wil ng tatlong cup at sinulatan niya ng mga letrang W.I.N.

Pipili ang isang letra ang caller kung saan naniniwala siyang nakatago ang pisong barya.

Suwertehin kaya ang lucky caller kahit mismong si Kuya Wil ay nakalimutan kung saan niya nailagay ang barya? Panoorin ang masayang eksena sa video.

--FRJ, GMA News