Matapos ng dalawang taong relasyon, engaged na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey.

Ibinahagi ni Pia ang update sa kaniyang love life sa Instagram post nitong Biyernes.

"We found the perfect place to celebrate and tell you guys," sabi ni Pia sa post ng mga larawan sa bakasyon nila sa Amanpulo.

Sa mga naunang post, nagpapahiwatig na ang dalawa sa positibong nangyayari sa kanilang relasyon habang nasa bakasyon.

 

 

Una rito, nag-post si Jeremy ng larawan niya na nagsasaad ng, "Sunsets in the Philippines are better than anywhere else in the world. Especially At Amanpulo when you have something to celebrate."

Samantala nitong Biyernes, nag-post si Pia tungkol sa sorpresa ni Jeremy sa kaniya at sinabing, "we've been celebrating for a month straight but this guy doesn't run out of surprises."

Nasundan ito ng post ng larawan nila na nagto-toast at sinabing, "cheers to? Forever?"

Matatandaan na inihayag nina Pia at Jeremy na nagsimula ang kanilang relasyon noong Enero 2020.— FRJ, GMA News