Hinangaan ng netizens ang magandang pangangatawan ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose sa kaniyang latest bikini photos habang nasa Boracay.

Nitong Huwebes, nag-post si Julie Anne ng ilang larawan niya sa Instagram habang suot ang two-piece moss green bikini.

Nilagyan lang ni Julie Anne ng four-leaf clover emoji ang naturang post.

 

 

Mayroon nang mahigit 116,000 likes ang naturang post. Dinagsa rin ito ng positibong komento maging sa mga kapuwa niya celebrities.

Isang araw bago nito, mayroon ding ipinost si Julie Anne ng mga larawan niya habang naglalakad sa beach suot ang red and wihite two-piece bikini.

 

Umani na ito ng mahigit 122,000 likes at napakaraming comments na ang ilan ay mayroong pang fire at sunny emojis. --FRJ, GMA News