Ipinagdiwang nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang ikalimang taon ng kanilang relasyon sa Bohol.

“Almost five years of genuine happiness because of this man. My man. I love you so much,” saad ni Barbie sa beach photo nila ng nobyo sa isang beach resort sa Instagram post.

“Celebrating our 5th anniversary a bit early this year at Bellevue Resort, our new favorite place!”

Nagpasalamat naman ang binata sa kaniyang nobya para magawa nila ang kanilang summer destination.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

 

Nag-post din siya ng iba pa nilang sizzling photos.

“Kailangan talaga natin ’to after ng trabaho, sobrang saya ko na finally may nakasama din akong ‘The One’ sa beach at isa na naman sa pangarap ko ang natupad!” ani Jak.

“Advance happy 5th anniversary Madam! Mahal na mahal po kita!” patuloy ng aktor.

– FRJ, GMA News