Kinaaliwan ng netizens ang isang aso na tila naiinis sa tuwing naririnig ang salitang “ligo” mula sa kaniyang amo sa Naga, Camarines Sur.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng fur parent na si Jayvee Marco na hindi naman talaga takot maligo ang pitong taong gulang nilang aso na si Puka.

Gayunman, tila naiinis ito sa tuwing naririnig ang salitang “ligo.”

Makikita rin sa viral video na ayaw sa una ni Puka, pero bumigay din dahil wala siyang choice.

May dalawang milyong views ang nakaaaliw na video nina Marco at ni Puka. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News