Nahuli-cam sa South Dakota, U.S.A. ang pagtama ng kidlat sa isang open field at muktik pang madisgrasya ang ilang pulis na naka-duty.
Sa video ng South Dakota Highway Patrol, na iniulat sa GMA News Unang Balita nitong Biyernes, mapanonood na nakatayo ang ilang police officer sa tabi ng kanilang patrol vehicle sa gitna ng isang field.
Ilang saglit pa, biglang tumama ang kidlat malapit sa kanila na kitang-kita sa kanilang camera.
May hinahanap umanong tao ang pulis nang sandaling iyon nang mangyari ang insidente.
Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan sa pagtama ng kidlat.
Kamakailan lang, isang football player sa Thailand ang nasawi nang tumama ang kidlat sa open field habang may naglalaro.
Naisugod pa ang manlalaro sa ospital pero binawian din ng buhay, at 12 iba pa ang nasugatan sa naturang insidente.
-- Jamil Santos/FRJ GMA News
