Sa halip na tuluyang maghiwalay, magkasamang nagposas ang isang magkasintahan sa Ukraine na laging nag-aaway at nagbe-break, para ayusin ang kanilang relasyon.

Sinimulan ng magkasintahan ang kanilang eksperimento noong Araw ng mga Puso nitong Pebrero, ayon sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes.

Hindi naman nawala ang away ng magkasintahan pero natuto silang resolbahin ito sa ibang paraan imbes na mag-break.

Ibinabahagi nila ang updates ng kanilang eksperimento sa social media, na nakakuha ng halo-halong mga komento.

Nagtanong ang karamihan kung paano gumagamit ng banyo ang mag-couple

Sumagot ang isa na nagsabing naghihintay ang isa sa labas ng banyo habang gumagamit ng CR ang nasa loob. — Jamil Santos/RSJ, GMA News