Isang lola mula sa Camarines Sur ay nag-viral sa social media matapos magmistulang modelo sa pictorial para kaniyang ika-89 na kaarawan, ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes.

Kabilang sa mga larawan na makikita online ang mga kuha ni Lola Mary habang naka-floral dress sa bukid at mga kuha na naka-white dress sa ilog.

Ang mga litrato ni Lola Mary ay kinuhanan ng kaniyang apo na isang events photographer.

Pinasalamatan naman ni Lola Mary ang lahat ng mga bati at paghanga na natanggap niya.—Jiselle Anne Casucian/AOL, GMA News