Paninibugho Ni Amos Tarana I
Mabuti pa si Pacman Sa bawat panggugulpi sa kalaban Pinapalakpakan Mga magagandang tsikas Na nais makatikim ng kanyang lakas Sa pangalan niya'y umaangkas Pinag-aagawan ng mga pulitiko Upang sa kanila ay mag-endorso Masiguro lang ang inaasam na panalo Pati nga itong si Gloria Nagkakandaugaga sa pagsalubong sa kanya Sabay sabit pa ng Order of Sikatuna
II Mabuti pa si Kuya Efren Sa pagtutulak ng kariton Napansin ng CNN Siya ngayon ay kinikilalang bayani Hinahangaan ng marami Naumpisahan niya'y sagot daw sa iliterasi Inuwi niya sa bansa ay hindi lang karangalan May bitbit pa siyang limpak na kayamanan Simbahan nga'y kasama sa mga nabalatuhan Kaya naman itong si Gloria Upang kabulukan ay maikubli sa masa Nag-alay sa kanya ng Order of Lakandula
III Pero teka nga muna Bakit kaming mga Pinoy na nasa ibang bansa Patuloy pa rin sa pangungulila Sabi'y kami raw itong mga "bagong bayani" Isang kunya-kunyariang papuri Kapalit ng aming pinaghirapang ani Migrante Party List nga na sa ami'y kumakatawan At pangunahing tumutugon sa aming pangangailangan Pinagbawalan pang lumahok sa halalan At sa bawat pag-uwi namin sa 'Pinas Pamahalaa'y walang pakialam sa aming mga dinanas Sumasalubong pa sa ami'y mga kawatang ungas â
GMANews.TV Tungkol sa may-akda: Si Amor Tarana ay isa sa mga tagabasa/tagasubaybay ng KwentongKapuso/PinoyAbroad na kasalukyang nakabase sa Dubai, UAE. Nilikha niya ang kanyang blog na inialay niya sa mga kapwa OFW, at pati na rin sa mga kapusong naiwan sa ating bansa. Layunin ng kanyang mga likhang tula na ipaalam sa iba pang kapuso kung ano ang buhay, pag-iisip, karanasan at kalagayan ng mga OFW lalo na iyong mga nasa Gitnang Silangan. Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!