Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

One-on-one interview with DOJ Sec. De Lima sa 'Reporter's Notebook'


Reporter's Notebook Airing date: Feb. 7, 2012 ONE-ON-ONE: SEC. LEILA DE LIMA Ulat ni Maki Pulido Palaban at walang inuurungan. Marahil ito ang mga salitang maglalarawan kay Justice Secretary Leila De Lima, isa sa pinaka-kontrobersyal at pinaka-popular na miyembro ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino. Sa matatapang niyang desisyon, umani siya ng batikos at puna mula sa kanyang mga kritiko. Mas lalo pang nag-ingay ang kanyang pangalan nang umano'y suwayin niya ang utos ng Korte Suprema na payagang lumabas ng bansa si dating Pangulong Gloria Arroyo noong Nobyembre. Sinampahan siya ng disbarment at contempt charges. Pero marami ang nasisiyahan sa kanyang mga ginagawa kung surveys ang pagbabatayan. Lumalabas na patuloy siyang nangunguna sa pagkakaroon ng mataas na approval rating sa gobyerno. At kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, tiyak na pasok siya sa karera sa Senado. Sa isang one-on-one interview, alamin ang mga kasagutan ni Justice Secretary De Lima sa mga isyu at kontrobersyang ipinupukol sa kanya at sa ahensyang kanyang pinamumunuan. LABAN SA PIRATA Ulat ni Jiggy Manicad   Hindi tinantanan ng mga balita at maging ng social networking sites ang kontrobersyal na larawan ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas habang umano'y bumibili ng pirated DVDs. Ayon sa iba, paano nga naman sosolusyunan ang piracy kung mismong ang opisyal ng pamahalaan ay parokyano nito? Minsan nang naiulat na kasama ang Pilipinas sa watchlist ng Estados Unidos sa mga bansang may pinakamalalang kaso ng piracy sa mundo. Sa kabila ng kaliwa't kanang pagsalakay ng Optical Media Board sa mga pirata, bakit nanatili pa rin itong problema?
 
Tags: plug
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics