Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Ang suliranin ni Sammy Lagmay, sa 'Wish Ko Lang'
Kumusta na si Sammy?


Isang Zamboangenyo na nakipagsapalaran sa Maynila, naging mensahero, hanggang sa
biglang hinatak para mag-ekstra sa telebisyon at nakitaan ng potensiyal sa pagpapatawa… Ito raw ang mga kaganapan bago makilala si Sammy Lagmay sa larangan ng komedya. Ilang taon niya rin tayong kiniliti sa tuwing siya’y humaharap sa kamera, pero nitong nakaraang taon, ibang Sammy na ang napanood natin, mahina at seryoso dahil ang sigla niya raw ay inagaw ng kanyang sakit sa bato. Ngayon, siya ay baldado na at bulag pa ang isang mata, gusto nang sumuko ni Sammy dahil maliban sa nahihirapan na, sawa na raw siyang kumatok sa mga puso ng mga kakilala para manghingi ng tulong.
Si Lyn na kakaiba
Sa Cebu, makikilala raw si Lyn at sinong mag-aakala na sa dalawampung taon niya sa mundo, sustansiya lang ng gatas ang bumuhay sa kanya. Lima silang magkakapatid at tanging siya lang ang kakaiba. May diprensiya sa kanyang mukha, hindi nakakapagsalita at katawan ay buto’t balat. Sa mga hindi nakakakilala sa kanya at kung sa litrato raw una siyang makikita, ‘di maiwasang maihambing ang kanyang itsura sa isang paniki. Gayunpaman, biyaya pa rin ang turing sa kanya ng kanyang pamilya, ngunit nangangamba ang kanyang mga mahal sa buhay kung hanggang kalian nila makakapiling si Lyn dahil wala silang alam sa kanyang totoong kondisyon.
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular