Lalaking initak ng sariling pinsan, tampok sa 'Wish Ko Lang'

Mula nang mamatay ang asawa ni Rodel, siya na ang tumayong ama’t ina sa kanilang mga anak. Pero kahit anong sipag niya, hindi niya mai-ahon ang sitwasyon nilang mag-aama. Umaasa rin lang siya sa tulong ng mga kamag-anak, maging ang kuryente nila ay nakisuyo lang siya na makikabit sa pinsan niyang si Lito. At Ito ang maghuhudyat ng gulo sa kanilang pamilya.
Nang malaman ng misis ni Lito na may nakikigamit ng kuryente nila, ikinagalit niya ito at kinumpronta si Rodel. Nakarating ang away na ito kay Lito kaya agad niyang sinugod si Rodel ng itak, buti na lang at naawat ito at nagka-ayos sila. Ngunit pagkalipas ng ilang araw, muling sinugod si Rodel ng pinsan niya at itinuloy ang pakay na tagain siya!
Tunghayan sina Mike Tan, Catherine Rem at Ping Medina para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.