Determinasyon ng inabusong dalagita, tampok sa 'Wish Ko Lang'
Wish Ko Lang!
Aug 11, 2018
"Sa Tindahan ni Trisha"

Si Trisha ay may kakaibang kondisyon kaya utal siya magsalita at apektado rin ang pagkilos niya. Maging ang pag-iisip niya ay huli rin daw kumpara sa mga kasing edad niya. Gayunpaman, hindi naman nagkulang sa pagmamahal ang kanyang mga magulang sa kanya. Sa katunayan, binigyan pa siya nila ng tindahan para raw may pagka-abalahan at maramdaman na kaya niyang makibagay sa iba.
Pero may mga tuso na umaabuso kay Trisha, dahil alam na may kahinaan siya, inuuto at inuutangan lang siya at hindi binabayaran. Pero ang matindi pa rito, may suki siya na may iba pang pakay sa kanya…Ginahasa si Trisha sa loob mismo ng tindahan niya! Nang magbunga ang panghahalay sa kanya, tinakbuhan lang siya ng lalaking nakabuntis sa kanya.
Tunghayan ang pagganap nina Krystal Reyes, JC Tiuseco, Kelvin Miranda at Mel Kimura para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.