ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heneral sa My Husband's Lover na si Roi Vinzon, galit nga ba sa mga bakla sa tunay na buhay?


Sa set ng pinag-uusapang serye na “My Husband’s Lover”, nakausap ang batikang aktor na si Roi Vinzon na gumaganap bilang si Gen. Armando Soriano, isang retired general na ama ni Vincent (Tom Rodriguez).     Ang karakter ni Roi ay isang machong macho na ama, na galit sa mga bakla. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, bakla rin ang kanyang nag-iisang anak na si Vincent.   Patok na patok ang mga linya ni Gen. Soriano sa nasabing soap lalo na online. Katunayan, kaliwa’t kanang nagsusulputan ngayon sa Facebook at Twitter ang mga fake accounts na nagngangalang “Gen. Armando Soriano.”  Dumarami ang followers ng mga ito dahil kopyang kopya nila ang mga banat ni Gen. Soriano patungkol sa mga bakla at sa pagiging macho.   Kaya naman nang makausap si Roi, itinanong na sa kanya kung ano ang feeling na magtrabaho sa isang soap opera. Basahin: Direk Dominic Zapata on My Husband's Lover: 'We'll play by the rules'   “Actually, first time ko’ng mag-soap [opera]. Masarap lagi yung first time e kasi yung experience ‘di ba, masasabi mong satisfied ka, masaya ka, ganado ka,” kuwento ng aktor.   Hindi katulad ng roles niya noon sa mga action movie, walang fight scenes at stunts si Gen. Soriano sa “My Husband’s Lover.”  Namimiss kaya ni Roi ang mga action scene?   “Medyo namimiss ko siyempre pero tayo naman kahit ano namang ibigay sa atin e puwede tayo. Siyempre gagawin ko ang kung ano’ng magagawa ko ‘di ba,” paliwanag niya.   Kahit aminadong hindi na masyadong “bagets” si Roi, namaintain pa rin ng action star ang kanyang maayos na pangangatawan at nakakasindak pa rin ang kanyang dominanteng tindig.  Kaya naman bagay na bagay sa kanya ang kanyang role sa nasabing primetime series.   Pero sa totoong buhay kaya ay pareho ang pananaw niya pagdating sa mga gay at homosexual relationship?  Galit nga ba talaga siya sa mga bakla? Basahin: Papaano magwawakas ang love story nina Lally, Vincent at Eric sa 'My Husband's Lover'?   “Hindi,” mabilis na sagot ng aktor. “Yung totoo ha. I don’t think so. Kasi marami akong mga kaibigang gay at okey naman sila. Wala namang negative sa akin kaya walang masamang impression sa akin ang mga gay.”   Maraming nagtataka kung ano nga ba ang back story ni Gen. Armando Soriano at bakit sagad hanggang buto na lang ang kanyang galit sa mga bakla. May iilan tuloy na naghihinala na baka mamaya ay “closet gay” din pala siya. Ganun nga kaya ang maging takbo ng istorya?   “Hindi daw e,” ang sagot ni Roi. “Tinanong ko rin sa kanila [writers] kung 'yon nga ang magiging takbo ng storya ko rito e pero hindi raw ganun. Pero kung sakaling ganun nga, willing ako. Walang problema sa akin,” sabi niya.   Abangan ang lalong nagiging exciting na “My Husband’s Lover” mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “Mundo Mo’y Akin” sa GMA Telebabad.   Para sa updates tungkol sa show, i-follow ito sa Facebook (http://www.facebook.com/myhusbandslover) at sa Twitter (http://www.twitter.com/myhusbandslover).  -- Neil Celeste Rara, GMA Social Media