ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Joey de Leon, tinawag na duwag ang social media users na 'pumatay' kay Vic Sotto

Hindi man pinaniwalaan at sineryoso ng batikang host na si Joey de Leon ang kumakalat na video na nagsasabing namatay na ang kaibigan niyang si Vic Sotto, may mensahe pa rin siya sa gumawa at nagpakalat nito.
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ikinwento ni Joey na binati niya agad si Vic ng “Oh, you’re alive!” pagkakita niya rito sa Eat Bulaga ngayong Sabado.
Basahin: Vic Sotto dead?: It's a hoax, says 'Eat Bulaga' exec
Marami rin din daw ang nagtanong sa kanya upang kumpirmahin ang tsismis.
Ipinaliwanag niya na nagkataon lamang na absent si Vic dahil madalas itong maglaro ng golf tuwing Huwebes at Biyernes.
Hinamon ni Joey ang mga nagpasimuno ng hoax: “Itong mga social media minsan ginagamit sa kalokohan eh. Pero mga duwag ‘yun, mga duwag.”
Basahin: Sen. Tito Sotto on 'Vic is dead' hoax: 'Dami talagang inggit kay Vic'
“Nilalahat ko na. Mga duwag kasi. Hindi naman naglalagay ng pangalan na tunay ang mga ‘yun eh. Mga duwag. Ilagay niyo ang tunay niyong pangalan bago kayo mag-tsismis,” paghamon ng Eat Bulaga at Startalk host.
Ipinaalala rin niya na hindi dapat basta-basta pinaniniwalaan ang mga bali-balita, at kailangang mag-ingat sa mga kumakalat sa Internet na maaaring pagmulan ng virus. — Cherry Sun, GMANetwork.com
More Videos
Most Popular